Pagtatae ng sanggol/bata
Ano ang mga dapat tandaan?
Diarrhea o pagtatae
Ang tiyan ng mga bata ay maselan pa at madaling madali ng mga bacteria, virus, o mga sangkap na nagdudulot ng pagtatae.
Ang pagtatae ay normal na bahagi ng paglaki subalit kailangang alisto ang mga magulang sapagkat ay ilang uri ng pagtatae na delikado at kinakailangang maipatingin sa doktor o ospital.
Magpatingin na sa doktor kapag:
- Ito’y lagpas na ng tatlong araw at hindi pa nawawala
- Ang pagtatae ay may kasamang dugo
- May pagsusuka na malala o tuloy-tuloy
- Hindi nakakakain ang bata
- Maputla at nanghihina at bata
- May mataas na lagnat, o lagnat na higit sa isang araw
- Hindi nito kaya, o walang ganang uminom ng tubig
- May iba pang kakaibang sintomas